Masakit kung maririnig mo ‘yan galing sa taong sobrang malapit sa’yo. Nang dahil lang sa sinabi mo minsang wala nang pakialamanan. Hindi ko naman meant masabi na wala nang pakialamanan. Nasabi ko lang yun para naman may magawa siyang paraan para maintindihan din ako. Para gumaan ung sitwasyon. Sinabi ko un para malaman ko kung anong gagawin niya para maiwasan ung ganoong pangyayari, yung wala na talagang pakialamanan. Para saan pa kung wala na talagang pakialamanan? Ano pa ang silbi ng isang bagay kung hindi na magpapakialamanan ang isa’t isa? Hindi niya ba naisip yun? Bakit? Bakit hindi siya umangal? Bakit hindi man lang siya nagreact doon? Dahil ba sobra ko siyang nasaktan, at pinipilit niyang bumalot sa katawan niyang ang sakit na dulot ng mga bagay na sinaktan siya? Kapag sinabi ko, gagawin na agad? Hindi man lang ba magbibigay ng opposite reaction? Violent reaction?
Tinatago ko na lang ung sakit na nararamdaman ko, everytime sabihin niya ‘yang mga salitang iyan para hindi na mahalata. How come nasasabi niya ‘yan sa akin? Oo, dapat akong mabahala sa ginagawa ko sa buhay? Pero ung iaasa na lang ang sarili sa lahat ng gagawin? Hindi ba pwedeng humingi ng suggestions or tulong or advices? Talagang ako na lang bahala sa buhay ko? Masakit kaya. Pero wala, eh. Ako na lang talaga bahala sa buhay ko. Ako na lang din naman makakatulong sa sarili ko, eh. Okay lang. Tanggap ko na. Ito na talaga binigay ng tadhana sakin.